344 - Ako'y Pinangungunahan

Ako'y pinangungunahan
Ni Jesus ko sa daan;
Wala akong alinlangan
Sa habag n'yat patnubay;
Masarap ang kabuhayan
Nang sa Kanya'y manahan
Pagka't bawa't karanasa'y
Pawang ikatitibay.
Pagka't bawa't karanasa'y
Pawang ikatitibay.

Ako'y Kanyang inaakay
Inaaliw sa daan,
Sa pagsubok binibigyan
Ng tinapay ng buhay.
Na talagang kailangan
Nang h'wag akong magkulang;
At tuwina'y makaasang
S'ya'y aking kagalakan.
At tuwina'y maka-asang
S'ya'y aking kagalakan.

Ako'y pinapatnubayan
Ng pag-ibig n'yang sakdal;
Sadyang pinangangakuan
Sa langit ng tahanan;
Pag ako ay nabihisan
Ng walang hanggang buhay;
Aawiting walang hanggan
Si Jesus ang umakay.
Aawiting walang hanggan
Si Jesus ang umakay.

0:00 0:00